Ang Masaklap na Sinapit ni Super Tekla sa kanyang Kinakasamang si Michelle

Para sa isang komedyante, ang mabahiran ang pangalan mo ng isang iskandalo ay maaring tumapos ng iyong career. Dahil isang bagay na dapat taglay ng isang komedyante ay ang pagiging harmless, all joy, mapagkakatiwalaan mo.


Ang iskandalong kinakasangkutan ni Super Tekla ngayon ay maaaring ending na ng kanyang career.


Mainit na mainit ang pangalan ni Super Tekla online dahil sa interview ng kinakasama niya sa Raffy Tulfo in Action, kung saan inireklamo ito ng pang aabuso sa kanila. Ayon sa kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag, nagsarili diumano si Tekla habang nagpapadede si Michelle ng anak nila at natalsikan pa diumano ang kanilang anak.


Bukod dito, madalas diumanong iiwan na lang ni Tekla na walang pambili ng pagkain ang kanyang kinakasama at aalis para magvlog kasama ang kaibigang si Donita Nose.


Dagdag pa ni Michelle, ayaw diumano ni Super Tekla na alagaan ang kanilang anak kaya inimbita nito ang kapatid ni Michelle para tulungan siya sa pag aalaga ng kanilang anak. Hahawakan lang diumano nito ang kanilang anak kapag magvlovlog ito.


Meron din diumanong mga hindi kanais nais na mga jokes si Tekla tungkol sa kanyang mga pamangkin at mga maseselang parte ng kanilang katawan.
Ngunit sa mga sumusunod na interview ay unti unti ding lumabas ang baho ng babae. Ayon sa mga lumabas na balita, ito raw ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot kahit pa sinabihan siya ni Tekla na tumigil na.
Isa pa, kung talagang inaabuso sila ni Tekla ay sana hindi sila nagtagal ng anim na taon.


Agad namang dumepensa kay Tekla ang kanyang mga kaibigan. Gustuhin man diumano ni Tekla na magsalita ay hindi pwede dahil meron siyang contrata sa GMA7. Ayon sa kaibigan ni Tekla na si Donita Nose ay kaya nagkaroon ng sakit ang anak nila ay dahil habang nagbubuntis si Michelle ay gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot.

Screengrab from Youtube: Ogie Diaz

Sa interview din ni Raffy Tulfo kay Ogie Diaz, sinabi ni Ogie na nakausap na niya si Tekla. At sinabi nito na wala raw katotohanan ang mga bintang sa kanya ni Michelle.


Isiniwalat din ni Ogie na sinunog diumano ni Michelle isang condo sa Mplace, na nag cost kay Tekla ng mahigit 2 million pesos. Itinanggi naman ni Michelle na siya ang sumunog sa condo.


Ayon naman sa manager ni Tekla sa si Rose Conde ay hindi muna ito makakapagsalita dahil sa sobrang nadedepress siya at hindi niya akalain na gagawin sa kanya nito ni Michelle na minahal niya sa loob ng anim na taon.
Inamin din ng manager ni Tekla na siya mismo ay sinasabi kay Tekla noon na hiwalayan na si Michelle dahil walang magandang maidudulot ito sa kanya. Ngunit hindi siya pinakinggan ni Tekla dahil mahal niya ito.


Dagdag pa nito, ang video diumano ay planted at ang mga sinasabi ni Michelle sa video ay ang gusto niyang iparating sa tao dahil may balak silang ipatulfo si Tekla. Nagsimula diumano ang pag-aaway nila dahil gusto nang makipaghiwalay ni Michelle kay Tekla at humihingi sila ng pera dito ngunit walang maibigay si Tekla dahil wala pa siyang pera. Dahil walang maibigay si Tekla ay nag aaway na sila.


Hindi rin umano totoo na hindi niya pinakain ang mga ito. Maaring nalate daw dahil nag aaway sila at hindi siya kinakausap ni Michelle. Si Tekla diumano ay natutulog sa labas at sina Michelle pa ang naka aircon.


Ipinahayag naman ng manager ni Tekla ang kanyang disappointment kay Michelle. Yung mga tao diumanong alam ang ugali ni Michelle ay alam ang totoo. Yung time pa diumano na nalate ang pagkain nila ay pinintasan pa ni Michelle ito. Meatloaf ang pagkain at pagkain pa rin diumano yun. Nagpost si Michelle na sa tagal ng hintay ng pagkain ito lang pala ang ipapakain. Si Tekla pa diumano ang nagluluto para sa kanila.


Napansin din ng mga netizens na habang kinakausap siya ni Sir Raffy ay nagsusugal si Michelle. Inamin naman ni Michelle na may problema siya sa sugal pero kasama niya si Tekla sa pagsusugal.


Samantala, nagsalita na rin si Super Tekla sa GMA 7 na kanyang network. Sabi nito:


“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle.”


“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko.”


“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”
“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”


Sino ang nagsasabi ng tama? Sino ang may kasalanan? Kayo na po ang humusga.


Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...