WATCH! Super Tekla, Nagsalita Na!

Sinagot na ni Super Tekla ang mga alegasyon sa kanya ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag.

Panoorin ang video na ito.

Mainit na mainit ang pangalan ni Super Tekla online dahil sa interview ng kinakasama niya sa Raffy Tulfo in Action, kung saan inireklamo ito ng pang aabuso sa kanila. Ayon sa kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag, nagsarili diumano si Tekla habang nagpapadede si Michelle ng anak nila at natalsikan pa diumano ang kanilang anak.


Bukod dito, madalas diumanong iiwan na lang ni Tekla na walang pambili ng pagkain ang kanyang kinakasama at aalis para magvlog kasama ang kaibigang si Donita Nose.


Dagdag pa ni Michelle, ayaw diumano ni Super Tekla na alagaan ang kanilang anak kaya inimbita nito ang kapatid ni Michelle para tulungan siya sa pag aalaga ng kanilang anak. Hahawakan lang diumano nito ang kanilang anak kapag magvlovlog ito.


Meron din diumanong mga hindi kanais nais na mga jokes si Tekla tungkol sa kanyang mga pamangkin at mga maseselang parte ng kanilang katawan.

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ni Tekla.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle,” sabi ni Tekla.

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Tekla, siya diumano ang nag aadjust dahil siya ang nanay ng kanyang anak.

“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”
“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” sabi ni Tekla.

Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...