Janella Salvador, nanganak na!


Nagsimula ang usap usapan ng pagbubuntis ng singer actress na si Janella Salvador mahigit isang buwan na ang nakaraan, nang marinig ang boses ni Janella sa isang live video ni Marcus na nagsasabing hindi siya allowed tumalon.


At mas tumindi pa ang hinala ng pagbubuntis nito nang tumungo siya sa UK at sumunod din ang kanyang ina at kapatid.


Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang umaamin tungkol sa balitang ito. Samantala, ngayong madaling araw dito sa Pilipinas, October 22, nagpost ng mga larawan ang fashion pulis ng mga larawan kuha mismo sa IG stories ni Marcus.


Isa sa mga larawan ay babaeng makikitang bangs at isang mata lamang ang nakikita. Hindi man kita ang buong mukha ay halata naman ng mga netizens na ang babaeng ito ay ang aktress na si Janella.

Courtesy of Fashion PULIS

At ang larawang ito ay kuha habang ang babae ay nakahiga sa hospital bed.

Courtesy of Fashion PULIS


Samantala, sa isang larawan ay makikita naman ang isang sanggol na nakahiga na tila ay nasa isang nursery room.

Courtesy of Fashion PULIS


Ngunit nang icheck namin ang IG account ni Marcus ay burado na ang mga larawan. Ayon sa ilang netizens ay marahil nakaligtaan lamang ni Marcus na iset as friends lamang ang kanyang stories.

Mayroon ding nakapagsabi na sa sobrang excitement ni Marcus sa pagiging ama ay kaagad niya itong naipost.


Matatandaang may isang anonymous source ang nagconfirm ng pregnancy ni Janella at nagsabing manganganak ngayong Octubre ang actress.
At tila kumpirmado na nga ang sinabi ng anonymous source na yun.
May mga netizens naman ang nagsasabi na sana wag nang itago ni Janella ang kanyang pagbubuntis. Ang iba naman ay pinagtatanggol si Janella at nagsabing huwag maging mapanghusga.


Si Janella na 22 years old ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart.
Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020).
Si Janella ay anak ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.


Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa sa London, United Kingdom.
Umuwi siya ng Pilipinas, at sumali sa reality-singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.


Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...