Ang Sikretong Itinatago ng Viral na Sundalo na Hinabol ng Kanyang Girlfriend

  • Nag viral kamakailan ang mala-telenobelang feature story ng KMSJ (Kapuso Mo, Jessica Soho.
  • May isiniwalat ang diumano’y pamilya ng ex-girlfriend ng sundalong hinabol ng kanyang girlfriend para magkita sila bago madestino ang lalaki sa malayong lugar.

Nag feature ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng madamdaming istorya ng dalawang magkasintahan.

Nalaman ng Viral Philippines na ang pangalang ng lalaki ay Zef Juan at siya ay isang sundalo na madedestino sa Zamboanga. Ang girlfriend niyang si Rachele ay nag effort para makita siya ilang minuto lamang bago umalis ang sundalo. Pinakita ni Zef Juan sa kanyang post kung gaano siya naging masaya na makita ang kanyang minamahal pagkatapos ng mahabang panahon.

Sa post niya ay makikita ang reunion photo nila ni Rachele na may caption na “At sa wakas NAGKITA NARIN TAYO. Si Lord na kusa gumawa ng paraan para magkita tayo. Thank you Lord. Kumpleto na atung monthsary. ILOVEYOU.” Meron pa itong hashtag na #imagineNOMORE

Nagviral ang post na ito dahil sa chemistry ng dalawa at maraming netizens ang kanilang napakilig.

Subalit sa kabila ng matatamis na pangyayari ay may nakakagulat na rebelasyon na ngayon ay trending sa social media. Ilang tao ang nagsasabi na may ibang girlfriend si Zef at nagtaksil ito dito para kay Rachele, ang kasalukuyan niyang girlfriend.

Nagviral ang post na ito nung Abril ng kanyang ex-girlfriend kung saan pinakita niya dito na meron silang parehong pangarap. Balak nilang abutin ito ng sabay ngunit hindi na ito natuloy dahil nagtaksil ito.

Nagcomment din ang nanay ng diumanoy ex-girlfriend ng lalaki.

“Hahahaha. parang naaawa tuloy ako sa bago mong gf. Sana di mo siya paglaruan. Kasi sila pa ngayon ng babaeng pulis tapos kayo na din pala. I thank god na naghanap siya ng way para makawala sayo and my daughter is very happy right now… Thank you for hurting her so much.. Tapos Iniba mo pa yung storya na sabi mo ang anak ko pa talaga ang unang nagcheat sayo. Tsk tsk tsk.. Anyway, thankyou sir roebert sa lahat ng pain na binigay mo sa anak ko tapos ikaw happy happy lang tapos pa’chat chat kapa sa babae mo ngayon.. Mabuti nalang nakilala ka ng buong pamilya namin . we the immediate family consider you as a big nightmare for almost 7 yrs. Sana maging happy ka kasi muntik mo nang sirain ang ang buhay ng anak ko sa lahat ng pasakit na binigay mo. but she’s okay right now . clear the name of my daughter”- The translated comment.

Nagustuhan niyo ba ang article na ito? Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...