Pahayag ng Tatay ni Lloyd Cadena Matapos ang Kanyang Biglaang Pagkamatay

  • Naging emosyonal ang tatay ng Kween of YouTube na si Lloyd Cadena
  • Ayon sa tatay ng kamakailan lamang na pumanaw na si Lloyd Cadena, mahirap tanggapin ang pagkawala ng kanyang anak
  • Lubos na nanghihinayang siya dahil hindi man lang sila nagkita ng kanyang anak bago siya mawala
  • Nagtatrabaho ang tatay ni Lloyd sa ibang bansa

Sa umpisa ng kanyang vlog ay mahinahon pang nag explain ang tatay ni Lloyd Cadena tungkol sa magiging paksa ng kanyang pinakabagong vlog.

Ngunit nang magsalita na siya tungkol kay Lloyd ay hindi na niya napigilang humagulgol. Napaupo siya at

“Anak patawad di na kita nakita”

Pinagdasal din niya ang kanyang anak. Ayon sa tatay ni Lloyd, alam niyang nasa kamay na siya ng maykapal.

Ang hirap tanggapin para sa isang ama ang mawalan ng kanyang anak.

Inalala din ng kanyang ama ang kabataan ni Lloyd at ang kanyang sakripisyo para makakain ang kanilang mga anak ng tatlong beses sa isang araw.

“Di baleng kami ang hindi makakain basta makakain lang ang mga anak namin.”

Parang nawalan ako ng lakas kahapon nung sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd’.

Ayon din sa ama ni Lloyd, nasa trabaho diumano siya nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang anak.

“Bata pa yun, hindi pa niya natupad mga pangarap niya. Hindi pa niya natutupad lahat ng mga pangarap niya.”

Nagbilin pa daw ang tatay ni Lloyd sa kanya na wag pabayaan ang kanyang mga kapatid kung sakaling mawala siya. Ngunit sa kasamaang palad ay naunang sumakabilang buhay ang sikat na content creator.

Sobrang namimiss diumano ng tatay ni Lloyd ang kanyang anak at lubos siyang nalulungkot dahil kahit makauwi siya ay hindi na niya makikita ito.

Panoorin ang buong video nito:

Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...