Parang Alam na Niyang Mamamatay siya ng Maaga! Nag viral ang Tweet ni Lloyd noon tungkol sa ‘Maiksi ang buhay’ pagkatapos niyang mamatay

  • Marami sa mga fans ni Lloyd Cadena ang shocked pa rin dahil sa nangyari sa sikat na vlogger
  • Ipinahayag sa official facebook page ng Filipino Youtuber na pumanaw siya sa edad na 26
  • Ilang netizens ang nakahanap ng tweet ni Lloyd ilang taon ang nakalipas
  • Ayon sa vlogger, maiksi ang buhay kaya piliin mong maging masaya

Hindi pa rin makapaniwala ang supporters ng sikat na vlogger na si Lloyd Cadena ang shinare ng kanyang official facebook page noong Biyernes, September 4.

Nalaman ng Viral Philippines na ang sikat na content creator ay pumanaw na sa edad na 26.

Maraming netizens ang talagang apektado sa nangyari kaya nagpasya silang balikan ang mga naipost ni Lloyd sa social media.

Ilan sa kanila ang nakahanap ng kanyang twitter post noong October 1, 2018. Nagsalita siya tungkol sa “Maiksi lang ang buhay” sa naturang tweet.

“Maiksi lang ang buhay… piliin mong maging masaya,” tweet niya.

Lloyd Cadena and his mom | Screengrab from Instragram Account
Source: Instagram

Kumalat naman ang tweet na ito sa iba’t ibang social media platforms ilang oras matapos maibalita na pumanaw na si Lloyd Cadena.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang saloobin pagkatapos nilang mabasa ang words of wisdom ng vlogger.

Narito ang ilan sa mga reaksyon online:

“Hangga’t nabubuhay, piliin maging masaya at maging mabuti sa kapwa. Mami-miss talaga kita!”

“Rest in paradise, kween!”

“Life is too short nga, kaya always choose to be happy. Always pray and He will do the rest.”

“Rest in peace, Kween LC. Thank you for making us happy. Napakabuti mong tao…”

“Maiksi lang talaga ang buhay. At least napasaya mo ang mga magulang at pamilya mo, and you live your life to the fullest. Parang inayos mo lang talaga lahat para sa kanila bago ka lumisan.”

Si Lloyd Cadena ay isang kilalang Youtube content creator sa Pilipinas. Mahigit 5 million ang kanyang subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...