PAPASOK NGA BA SI CARROT MAN SA PBB?

Photo by Edwina Bantog





Matapos ang ilang taong pagtahimik, ginulat ni Jeyrick Sigmaton na mas kilala bilang Carrot Man ang kanyang fans sa kanyag paghayag na gusto niyang sumali sa sikat na reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB).

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas noong naging viral sa social media ang kanyang larawan na may buhat buhat na carrots. Dahil dito, nagkaroon siya ng ilang projects kagaya ng pagmomodel sa apparel company na Boardwalk. Nag guest din siya sa ilang TV shows kagaya ng Kapuso Mo Jessica Soho, Wowowin, at Bubble Gang ng GMA7. Ngunit pagkatapos ng dalawang buwan ay bigla siyang tumahimik.

Sinabi niya na bumalik sila ng pamilya niya sa Baguio kung saan nag guest siya sa ilang local shows. Nagpunta din siya sa abroad (UK, Korea at Thailand) para sa ilang sponsored shows. Hindi raw niya naituloy ang showbiz dahil walang humawak sa kanya na talent manager pagbalik niya ng Manila.




Sa video na inilabas ng ABS-CBN kamakailan, inihayag ni Jeyrick Sigmaton ang kanyang kagustuhan na magtuloy sa showbiz. Sumasali siya sa mga acting workshops para mapaghandaan ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya. Pero bukod sa paghahanda, nakita ni Jeyrick yun na oportunidad para magkaroon ng mga kaibigan. Inamin niya na nagiging malungkot din minsan.

Gusto pa ring ituloy ni Jeyrick ang pag aartista dahil sa encouragement ng mga kamag-anak niya.

“Bakit hindi mo ituloy? Pumunta ka doon at ituloy mo.”

“Go ipush mo yan, kasi sumikat ka na sayang naman. Mag workshop ka na lang doon.”

Inamin din ni Jeyrick na pinakamahirap yung mahiwalay siya sa pamilya at mabuhay ng nag iisa. Kahit malayo sa mga mahal niya sa buhay, may carrots na dala dala si Jeyrick sa Manila. Ang simbolo daw nun ay kahit saan siya makarating ay marunong siyang bumalik sa pinanggalingan. Yun ang dahilan kung bakit niya narating ang narating niya ngayon.



Share this:

Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...