Naging Emosyonal si Ivana Alawi sa Kanyang Latest Vlog na Dedicated Kay Lloyd Cadena

Ivana Alawi Carwash for Lloyd
Ivana Alawi explains her newest vlog dedicated to Lloyd Cadena
  • Nagpasya si Ivana Alawi na gumawa ng Youtube video na dedicated kay Lloyd Cadena
  • Ginawa niya ang challenge sa kanya ni Lloyd na gagawin sana nilang dalawa bilang kanilang collab
  • Naging emosyonal ang sikat na Youtube Vlogger na si Ivana habang ipinapaliwanag ang challenge
  • Ayon kay Ivana, ibibigay niya ang kikitain ng video sa naiwang pamilya ni Lloyd

Isa si Ivana Alawi sa mga taong lubos na naapektuhan sa biglaang pagkawala ng kanyang kaibigan at kapwa Youtube vlogger na si Lloyd Cadena.

Nalaman ng Viral Philippines na nagpasya ang sikat na content creator na gumawa ng vlog na iniaalay niya para kay Lloyd.

Ibinunyag niyang ang challenge na ginawa niya ay concept ng pumanaw na vlogger at kanyag kaibigan na si Lloyd.

Binanggit din ni Ivana na lahat ng kikitain ng kanyang video ay ibibigay niya sa naiwang pamily ni Lloyd.

“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, magcarwash kami ng Bus together. Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito,” 

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko. Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire… Rest in paradise,” 

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Si Ivana Alawi ay isa sa mga pinaka sikat na YouTube content creator sa Pilipinas. Mahigil 8 million ang kanyang subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...